Scene 1
Meron sumakay sa Cubao. 2 babae and 1 guy. Punuan e. Pero nakaupo yung dalawa babae sa loob and sabit na lng si guy. Mukhang si guy lang ang nakakaalam kung saan sila pupunta dahil nagtatanong yung mga girls kung san at mukhang bagong salta sila. Pagdating ng Katips meron bumaba na isa sa unahan. So si guy lumipat. Pag baba ng lalake sumunod na bumaba ang mga girlaloo at tumakbo na ang jeep.
Nun nakita ko yun face ng guy sa unahan. Bandang Santolan na ata. Lumingon siya sa likod para check cguro yun dalawang girls na kasama. Ayun nagtataka si kuya at napakamot sa ulo.
KOYA NAMAN KSE EH!
Scene 2
Friend ko sumakay daw siya ng FX. Medyo masama ang tiyan. Najejerbs na daw siya. Ayun nagpakawala ng silent bomb before bumaba ng FX. Tapos after a few blocks nakita nya huminto ulet FX. Nagbabaan ang mga sakay. Nagbukas ng bintana at nagpapagpagan ng mga damit at upuan.
Scene 3
Sa LTO office. Kumukuha ako ng license. Nahuli kse hehe. Sa labas kame naghihintay dame ng tao. Eh halos nasa kalsada kme lahat. Meron dadaan na sasakyan. Jaguar. Ganda. Meron isang lalake sumigaw "O TABE TABEH MUSTANG YAN! MUSTANG YAN OH!"
Ang laki naman manong ng pusa sa harap o nde naman mukhang kabayo e.
Scene 4
MRT Cubao station. Siksikan. Dame tao. Papunta ko ng Makati. Dumating na yun train. E di tulakan. Royal rumble na. Meron isang foreigner. Natulak siya nun isang lalake na pinoy. Eh mukhang napikon. Nun nasa loob na....
Foreigner: (Not audible...pero english cguro salita kse english sagot ni pinoy e)
Pinoy na malakas manulak: Huwat???!!!
Foreigner: (Still not audible)
Pinoy na malakas manulak: (with matigas na bisaya accent) Huwat??!! Aym Par Op Yu... Yu Know???!!!
Napatawa na lang ako e deep inside my heart. Nadukutan tuloy ako ng cel nun araw na yun. hehehe.
Scene 5
Retreat. Swimming Pool. Nasa 3 feet lng ako with other basketbolistang friends. Nakaupo lang kame dun. Kwentuhan. So yun tubig above ng chest ko. Tinawag namen yung isang kasama namen. "Jason swimming tayo!" Takbo siya at nagdive sa spot namen. Pag tayo niya, ayun me dugo sa right part ng noo. Kung bakit naman kse nagdive e. Kala ata niya malalim kse nasa dibdib lng tubig.
Ayun lang! That's all folks. Sana natawa kayo!